Nakakaasar. Not really as in a bad way, but as in nakakaasar dahil nakakahiya. Grabe kasi! Sobra na akong nabibisto ng younger sister ko.
Naki-text kasi siya sa akin. Unexpectedly, pagka-type niya ng first few numbers ng i-te-text niya, gumana suddenly ang autosearch.
"Oh my God!” sabay sobrang tawa.
Ito ang reaction niya kaya bigla akong napalingon patingin sa kanya. Nakatalikod kasi ako sa kanya noong una.
Nang pinakita niya sa akin ano meron, nakita ko, ang lumabas iyong mobile number ni Sir E! FYI, kilala niya by name si Sir E -- at first alam niya lang na may crush akong lecturer namin, until na-discover na rin niya his name noong once na hiniram din niya phone ko and di ko alam nag-browse na pala sa gallery ko so nakita niya mga saved photos ni Sir E and nabasa niya sa one of the photos full name ni Sir E -- there she have it.
[Sigh] Nakakaasar talaga. Parang nagmumukha tuloy na napaka-stalker ko na. Pero hindi naman talaga as in ganoon. Hindi ko hinahanap iyong number niya. Nakita ko lang dati, accidentally, so naisip ko lang na i-save. Pero wala naman akong balak na contact-in siya. Actually matagal na nga iyon and nakalimutan ko na nga rin na meron pala akong number niya. Promise talaga. Pero ihhhhhh……
Napabawi na lang ako ng tingin and tinuloy ko na uli ginagawa ko. Pero ito kasing usyuserang ito, nakakaloko. Mang-asar ba naman ng
"Ayiiiiieeeee!!!!!"
Ahhhhh!!!! Di ko tuloy mapigilang ngumiti kahit ayoko. Nakakahiya talaga. Hahaha.
No comments:
Post a Comment