Part 1
"Kung mayroon kang kaalitan, kausapin mo. Iyon ang pinakaunang dapat gawin ng tao kapag may di pagkakaunawaan o di pagkakaintindihan. Sa paraang iyon lang, maaari nang magkaayos ang mga taong magkaaway. Kung ayaw niyang makinig, magdala ka ng ibang taong makikinig sa inyo, sa side niyong dalawa -- dahil ang dalawang magkaalitan ay may sariling side at parehong may masasabi. Kung hindi pa rin effective, dalhin mo siya sa Church.Actually, hindi para malaman kung sino talaga ang tama at mali ang gusto ni Lord na mangyari. Ang gusto niya ay ang magkaayos ang dalawang taong may di pagkakaunawaan sa isa't isa. Ang gusto niya ay ang gumawa ang sinuman sa dalawa ng paraan para magkaayos sila, para magkabati sila."
Part 2
"Kung may mali o masamang ginagawa ang kapwa mo, itama mo. Dahil kapag namatay siya nang hindi mo itinatama ang pagkakamali niya, nasa iyo ang guilt. Pero kapag sinubukan mong itama siya ngunit hindi siya nakinig, kapag namatay siya, nasa kanya ang guilt.Madalas ang iniisip ng tao, mas mabuti na lang na huwag nang makialam. Play safe na lang, para walang problema, walang gulo. Pero sabi ni Lord, mali iyon. Dapat may pakialam ka. Sin of commitment kasi kapag di mo sinubukang itama ang pagkakamali ng iba. Gusto ni Lord, may pakialam ka sa ibang tao, dahil sa mata niya, magkakapatid lahat ng tao. At kapag may pakialam ka sa kapwa mo, sign ito ng pagmamahal sa kapwa, at ang pagmamahal sa kapwa ay pagmamahal sa Diyos. So love your neighbor. "
Part 3
"Sa pagdarasal, mas mabuti ang may kaisahan, kung mas maraming tao ang nagdarasal para sa iisang hangarin, mas malaki ang chance na mapakinggan at maibigay ito. Sabi nga, "The family that prays together… iisa lang ang rosary." Haha! Adopted joke lang. Ang totoo talaga, "The family that prays together, stays together."Sa pagdarasal, dapat with confidence . Dapat wala nang hiya-hiya. Dapat sabihin mo nang diretso, walang ligoy-ligoy, buong puso at may faith -- may faith na magkakatotoo ito. So dapat present tense. Hindi "Sana gumaling ako." Dapat, "Magaling na ako!" Sa pagdarasal, dapat with conviction! Dapat claim it! Dahil kung ganoon ka magdasal, ibig sabihin nangyari na ito. Nandoon ang paniniwala mo kay Lord."
----- Fr. Erik Santos
No comments:
Post a Comment