Sunday, August 24, 2014

The Leader & the Followers

"May tinalaga si Jesus na mamuno sa Church niya - si Peter. Sa kanya binigay ang susi nito. Kung anuman ang payagan niya sa lupa, papayagan sa langit. Kung anuman ang ipagbawal niya sa lupa, ipagbabawal sa langit. Siya ang in-appoint ni Jesus to lead his people.

Ngayon, ang kilalang pinakapinuno ng Catholic Church is ang Santo Papa - at present, si Pope Francis. Sakto, naghahanda ang bansa para sa kanyang Papal Visit on 2015. Lahat masaya at excited for this. Madami ang may gustong makita and makaharap siya. Imagine, isang makapangyarihan and mataas na tao, pupunta sa bansa? Hindi ito nangyayari araw-araw.

Pero kung ito man ang reason kaya masaya ang madaming tao sa pagdating niya, hindi daw magiging masaya si Pope Francis. Mas magiging masaya siya kung ang reason ng mga tao ay gusto ng mga tao na i-lead sila ni Pope sa buhay na ayon sa buhay ni Jesus."


To be honest, isa ako sa mga taong excited sa Papal Visit. The first time I heard about it, ang una ko talagang naisip ay sana ma-witness ko iyon. Sana makita ko din si Pope. Kahit sa malayo lang. Kahit di ko talaga siya malapitan. Kahit sandali lang. Basta gusto ko lang makapunta sa place na pupuntahan niya, kung anuman meron doon, Mass or whatever. I swear, malaki magiging impact nito sa akin kung mangyari man iyon.

Naalala ko kasi iyong nabasa kong column sa newspaper about sa isang bata na nakapunta sa wake ni Pope John Paul II dati. Hindi ko na ma-sha-share iyong exact story. Basta ang masasabi ko lang, sobra akong na-amazed sa experience niya. As in, wow. Nakaramdam ako ng parang envy. Napakaswerte niya. I mean, sobra, nabasa ko lang iyon pero I felt like parang na-experience ko din mismo -- to the point na kung anumang naging effect ng experience na iyon sa child author na iyon, iyon din ang effect sa akin. Nabasa ko palang iyon, so paano pa kapag nangyari na siya sa akin personally?

And so, nagkaroon ako ng hopeful dream na sana dumating din iyong time na magkaroon ako ng chance to experience something like that. Not totally as in ganoon talaga. Basta something like that lang. Not to be boast of, but to be a stepping stone for my Christian life. Kaya itong Papal visit, wow, this is it. 2015 pa iyon. Paghahandaan ko.

Back to the homily… Hehe. Di pa tapos iyon. Haha. "Kung may leader daw ang Catholic Church, siyempre, sino naman pinag-le-leader-an niya? Ang mga tao. And tayo iyon -- ang mga members ng Catholic Church. And kung ang leader merong responsibility, siyempre ang members meron din. We, as members of the Church, wala man tayong malaking responsibility nang gaya sa leader natin, mayroon pa rin tayong dapat gawin. What is that? To express our faith in God. But not only through attending Masses. Not only through giving offerings. But most especially through making good things and not making bad things to other people. Iyon ang most important thing to do as members of the Church." Oops, medyo natamaan yata ako doon. Haha.

No comments:

Post a Comment